^

Probinsiya

Mga guro, estudyante balaking dukutin ng Abu Sayyaf

-
ZAMBOANGA CITY – Maugong ang balitang nagbabalak na dukutin ang mga guro at estudyante sa malalayong barangay sa Basilan ng mga natitirang grupo ng bandidong Abu Sayyaf.

Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya at militar, ang planong pagdukot sa mga guro ay nabunyag matapos na patayin at pugutan ang isang high school na si Ariel Oroyo ng mga kasapi ng Sayyaf noong Biyernes sa bayan ng Lantawan.

Ayon sa intelligence report, pinamumunuan ni Sayyaf lider Hamsiraji Sali, alyas Commander Jose Ramirez, ang planong pagdukot sa mga guro at estudyante sa nasabing bayan.

Si Sali ay isa sa apat na lider ng Abu Sayyaf na nasa listahan ng pamahalaang US na wanted at may patong sa ulo na US$1 milyon, bukod pa kina Khadaffi Janjalani, Isnilon Hapilon at Jainal Sali, alyas Abu Solaiman.

Ang apat ay responsable sa mass abduction ng mga estudyante at guro kabilang na si Claretian priest na si Fr. Rhoel Gallardo noong Marso 23, 2000.

Pinalaya naman ang mga dinukot na mag-aaral at guro kapalit ng pagkain pero pinatay naman si Fr. Gallardo.

Isiniwalat din ng pulisya na karamihan sa mga guro sa liblib na barangay sa Basilan ay nakikiusap na magtalaga ng mga pulis sa kanilang pinapasukang eskuwelahan. (Ulat ni Roel D. Pareño)

ABU SAYYAF

ABU SOLAIMAN

ARIEL OROYO

BASILAN

COMMANDER JOSE RAMIREZ

HAMSIRAJI SALI

ISNILON HAPILON

JAINAL SALI

KHADAFFI JANJALANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with