^

Probinsiya

Lolo kinatay ng apo

-
MAUBAN, Quezon Dahil sa masidhing maangkin ang lupaing sinasaka ay nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang 69-anyos na lolo ng sariling apo sa plantasyon ng niyog sa Barangay Soledad sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Animo’y kinatay na hayop ang katawan ng biktimang si Alfredo "Fred" Lazardo, magsasaka matapos na katayin ng kanyang apong si Michael Ocampo, 21, na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya sa bayang ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Wilmor Abang, bandang alas-2 ng hapon nang magkasamang nagtungo ang mag-lolo sa plantasyon ng niyog sa nasabing barangay.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na hinihimok ng suspek ang kanyang lolo na ibigay na sa kanila ang sinasakang lupain pero mariing tumanggi ang biktima.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang pinagtataga ng suspek ang sariling lolo hanggang sa mapatay bago tumakas.

Sa isinagawang follow-up operation ay agad namang nadakip ng pulisya ang suspek at kinasuhan na ng parricide.

May palagay ang pulisya na nagdilim ang pag-iisp ng suspek kaya nagawa ang karumal-dumal na krimen o kaya naman ay lango sa droga si Ocampo.(Ulat ni Tony Sandoval)

ALFREDO

BARANGAY SOLEDAD

DAHIL

LAZARDO

MICHAEL OCAMPO

NAPAG

OCAMPO

QUEZON

TONY SANDOVAL

WILMOR ABANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with