Tulak ng droga, itinumba
June 16, 2003 | 12:00am
TIAONG, Quezon Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang hinihinalang drug pusher na matagal na umanong inirereklamo sa kanilang lugar kamakalawa sa bayang ito.
Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib ay si Danilo Panganiban, 30, binata at residente ng Sitio Ibaba, Barangay Lusacan.
Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Victorino Mendioro, dakong alas-5:15 ng hapon ng ipabatid ng isang concerned citizen kay Vice-Mayor Greg Silang ang pangyayari sa tapat ng bahay ng biktima.
Nang magresponde ang mga awtoridad ay naabutang duguan sa kalsada ang biktima na may tama ng bala sa ulo at dibdib.
Isinugod sa San Pablo district hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.
Napag-alaman na matagal na umanong inirereklamo ang biktima sa kanilang lugar dahil pinaghihinalaan itong nagpapakalat ng droga dito.
May palagay din ang mga awtoridad na posibleng onsehan sa droga ang naging motibo ng pagpatay dito. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest