4 kidnaper ng vice mayor sumuko

CAMP CRAME – Apat na kalalakihan na responsable sa pagdukot sa vice mayor ng Jasaan, Misamis Oriental ang iniulat na boluntaryong sumuko kay Cagayan de Oro City Mayor Vicente Emano matapos ang ilang araw na pagtatago.

Ang mga suspek na tumakas mula sa kulungan ng Claveria bago nagtago at sumuko ay nakilalang sina Rogelio Paguya, 32; Josue Sumilla, 21; Billy Salucana, 16, at Rodolfo Humaynon, 16.

Ang mga nagsisuko ay kasalukuyang nasa Maharlika detention center sa Cagayan de Oro City.

Samantala, aabot naman sa P2.3 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang sunugin ang bahay ni Dr. Leticia Maraat sa Barangay 6 Poblacion, Quezon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang ala-1 ng madaling-araw noong Huwebes, Hunyo 12, 2003 nang pumasok ang hindi kilalang lalaki sa garahe ng bahay ni Dr. Maraat saka sinilaban ang tatlong sasakyan.

Naapula naman ang apoy ganap na ala-1:45 ng madaling-araw at walang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments