^

Probinsiya

2 informer ng militar nilikida ng NPA

-
Camp Simeon Ola, Albay – Dalawang itinuturong informer ng militar ang senentensiyahan ng kamatayan ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkakahiwalay na insidente sa Camarines Sur at sa lalawigang ito kamakalawa.

Base sa ulat ng pulisya, unang pinaslang ang biktimang si Henry Abellonar, 42 may asawa, magsasaka matapos na katukin ng mga rebelde ang tahanan nito sa Brgy. Palsong, Bula, Camarines Sur bandang alas-12:30 ng madaling araw.

Nabatid na ang biktima ay mahimbing na natutulog nang bigla na lamang itong magising sa pagkatok ng mga suspek sa kaniyang tahanan at ng kanyang pagbuksan ay bigla na lamang siyang pinagbabaril.

Ang biktima ay nagtamo ng 20 tama ng M16 rifle sa katawan at ulo na siya nitong agarang ikinasawi.

Sa isa pang insidente, pinaslang rin ng mga rebelde si ex-Brgy. Captain Dante Saguid, 63 taong gulang, magsasaka sa loob ng kaniyang tahanan sa Brgy. Apod, Libon, Albay kamakalawa dakong alas-4:30 ng hapon.

Nabatid na anim na rebelde umano sa pamumuno ng isang alyas Ka Diego ang pumaslang sa biktima habang kumakain ito kasama ng kaniyang pamilya sa kanilang tahanan.

Anim na putok ang pinawalan ng mga rebelde na siyang tuluyang tumapos sa buhay nito. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng naturang mga kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

BRGY

CAMARINES SUR

CAMP SIMEON OLA

CAPTAIN DANTE SAGUID

ED CASULLA

HENRY ABELLONAR

KA DIEGO

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with