8 kidnaper ng trader naaresto
June 13, 2003 | 12:00am
BUTUAN CITY Walong suspek sa pagdukot sa negosyanteng Hapones noong Enero 23, 2003 ang iniulat na nadakip ng mga awtoridad noong Biyernes, Hunyo 6 sa Surigao del Sur.
Kasalukuyang nakapiit sa Provincial jail sa Tandag, Surigao del Sur ang mga suspek na sina Vicente Salon, Rolando Ochavillo, Melquiades Apole, Lorenzo Apole, Estrella Apole, Rolando Apole, Juvel Apole at Renato Apole.
Ipinag-utos ni Caraga Police Regional director P/Sr. Supt. Alberto Rama Olario na sampahan ng kasong kidnapping ang mga suspek at kasabwat nito sa pagdukot kay Yazumitzu Yasuda Hashiba, 48 sa Barangay Bunga, Lanuza, Surigao del Sur.
Sinabi pa ni Olario na bukod sa modus operandi ng mga suspek laban sa biktimang Hapones ay responsable rin ang grupo sa pandurugas sa mga pampasaherong sasakyan sa nasabing lalawigan sa nakalipas na buwan. (Ulat ni Ben Serano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am