^

Probinsiya

Espiya ng Sayyaf nalambat

-
ZAMBOANGA CITY – Nadakip ng tropa ng militar ang isa sa matinik na espiya ng bandidong Abu Sayyaf na pinaniniwalaang naniniktik sa ikinikilos ng militar sa Patikul, Sulu, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Si Junaini Ahmad, 31 ay nalambat noong Martes sa Barangay Bon-Bon, Patikul ng pinagsanib na elemento ng 3rd Marine Brigade at Military Intelligence Company (MICO), ayon kay Southern Command chief Maj. Gen. Roy Kyamko.

Ang pagkakadakip kay Ahmad ay pangatlo na sa hanay ng Abu Sayyaf sa loob lamang ng isang linggo na kinabibilangan nina Kumander Kalaw Jaljalis at Muktar Sariasa.

Positibo namang kinilala ng military spotter si Ahmad na aktibong miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ni Kumander Radullan Sahiron na namataan sa Sulu na gumagala.

Responsable rin si Ahmad sa pamamaslang sa dalawang kawal noong 2001 sa Sitio Usaw, Barangay Timpook, Patikul, ayon sa militar. (Ulat ni Roel D. Pareño)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AHMAD

BARANGAY BON-BON

BARANGAY TIMPOOK

KUMANDER KALAW JALJALIS

KUMANDER RADULLAN SAHIRON

MARINE BRIGADE

MILITARY INTELLIGENCE COMPANY

MUKTAR SARIASA

PATIKUL

ROEL D

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with