Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Barangay Chairman Fidel Tepaet, 68 at Nestor Cebu, 51, residente ng Market Site, Tamayo Street, Brgy. Poblacion sa bayang ito.
Sa ulat ng pulisya, si Tepaet ay inakalang informer ng militar at pulisya na nagbibigay ng impormasyon sa ikinikilos ng makakaliwang kilusan kaya pinatahimik ng mga rebelde sa loob ng kanilang bahay sa harap mismo ng kanyang asawat mga anak.
Kasunod nito, agad naman nadakip ng pulisya ang killer ni Cebu na si Antonio Adique, 57 matapos isagawa ang krimen dakong alas-7:15 ng gabi. (Ulat ni Ed Casulla)