Kagawad pinatay sa loob ng bahay
June 11, 2003 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang naging dahilan para ipapatay ang isang konsehal ng barangay sa sariling bahay sa Barangay Burol Dos, Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni Juanito Calalang, 56, may asawa at residente ng nasabing barangay.
Samantala, ang suspek na binayaran para pumatay ay nakilalang si Francisco Reyes ng Barangay Santol ng bayang ito.
Dinakip din ng mga tauhan ni P/Supt. Arthur Felix Asis, ang utak sa krimen na sina Napoleon Palaruan, 48; asawang si Teresita, 49 at anak nilang si Vladimir, 24 na pawang naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa pagsisiyasat, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima sa balkonahe ng kanyang bahay habang nagpapahinga bandang alas-7 ng gabi.
Napag-alaman pa sa pulisya na may ilang taon nang pinag-aawayan ng dalawang angkan ang maliit na lupain sa Barangay Burol Uno at hindi malaman kung sino nga ang dapat na umangkin.
Dahil sa matinding galit ng pamilya Palaruan sa biktima ay nagbayad ito ng malaking halaga para ipapatay si Calalang para masolo ang pinagtatalunang lupain, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended