Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pananabotahe bandang alas-9:35 ng umaga makaraang sunugin at taniman ng bomba ang bakal ng poste ng Napocor.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na dalawang rebelde ang namataan ng mga magsasaka na umaaligid sa kinatitirikan ng bakal na poste bago maganap ang pangyayari.
Wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa naganap na pananabotahe ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)