Poste ng Napocor pinasabog ng MILF
June 9, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Muli na naman naghasik ng terorismo ang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang pasabugin ang bakal na poste ng National Power Corporation (Napocor) sa Purok Kauswagan, Barangay Sarabia, Koronadal City kamakalawa.
Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pananabotahe bandang alas-9:35 ng umaga makaraang sunugin at taniman ng bomba ang bakal ng poste ng Napocor.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na dalawang rebelde ang namataan ng mga magsasaka na umaaligid sa kinatitirikan ng bakal na poste bago maganap ang pangyayari.
Wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa naganap na pananabotahe ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest