Suspek sa mag-inang pinatay sa Cavite nagpasagasa sa tren
June 7, 2003 | 12:00am
CABUYAO, Laguna Isang pinaghihinalaang sangkot sa brutal na pagpatay sa isang mag-ina sa Cavite ang iniulat na nagpakamatay matapos magpasagasa ito sa tren kahapon ng umaga sa bayang ito.
Ang biktima na nadurog ang katawan matapos magpasagasa sa tren ay nakilalang si Celedonio Oliva, 37, security guard at nakatira sa Brgy. Gregoria de Jesus, Gen. Mariano Alvarez, Cavite at nagtatago lamang sa Cabuyao.
Ayon sa ilang saksi, bandang alas-7 ng umaga nang mahiga umano sa riles ng tren ang biktima hanggang sa masagasaan ito ng PNR train na papuntang Maynila na naging dahilan upang madurog ang katawan nito.
Naniniwala naman ang ilang kaanak ni Oliva na sinalvage ito at hindi nagpakamatay dahil maraming nagalit sa kanya matapos magpasya itong maging witness sa naging pagpatay sa mag-inang sina Anabelle Zuñiga, 23, at 3-taong anak nito na si Fracez Erika noong June 2 sa tahanan ng mga ito sa GMA, Cavite.
Isinama naman ng GMA police si Oliva sa listahan ng mga suspek sa twin-slay dahil inireklamo rin ito ni Mrs. Zuñiga ng pagnanakaw ng P16,000 halaga ng alahas nito ilang linggo ang nakakaraan bago maganap ang pagpatay sa mag-ina.
Kahit nagpakamatay na si Oliva ay ituturing pa rin ito ng pulisya na suspek sa twin-slay.
Napag-alaman na nagpadala na sana ng surrender feelers si Oliva kay Sr. Insp. Randolf Tuaño noong nakaraang linggo para sumuko na ito kaya malaki ang hinala ng pamilya na hindi talaga ito nagpakamatay kundi sinalvage ng mga nagalit dito dahil sa pagiging witness nito. (Ulay ni Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended