^

Probinsiya

5,000 ektaryang lupa ipinamahagi ng DAR

-
Upang mapaunlad ang agrikultura sa bansa ay namahagi ng libong ektaryang lupaing sinasaka ang Department of Agrarian Reform sa lalawigan ng Rizal at Laguna para tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at masolusyonan ang tumitinding kahirapan.

Sa ika-17 taong anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay aabot sa 5,648 ektaryang lupaing pangsakahan sa Rizal at Laguna ang ipinamahagi.

Sa pangunguna nina DAR Sec. Roberto "Obet" Pagdanganan; Region 4 Director Dominador B. Andres at mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Aabot sa 485 na magsasaka sa Pililla, Rizal ang makikinabang, samantala, 228 magsasaka naman sa Sta. Cruz, Laguna ang maaambunan ng benepisyo ng CARP.

Sa pahayag ni DAR Secretary Pagdanganan na magbibigay ng scholarship sa mga anak ng mga magsasaka at patatagin ang kooperatiba para umunlad ang kabuhayan ng bansa sa larangan ng agrikultura. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AABOT

ANDRES

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

CRUZ

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DIRECTOR DOMINADOR B

LORDETH BONILLA

OBET

RIZAL

SECRETARY PAGDANGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with