3 tulak timbog

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Tatlo-katao na pinaniniwalaang nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Calaocan sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Julio de Luna, police chief sa lungsod na ito, ang mga suspek na sina Vic Toralba, 29; live-in partner na si Josephine Tiquia, 26 at Alfredo Tiquia, 50, ama ni Josephine.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng mga elemento ng pulis-San Jose City at Philippine Drug Enforcement Agency sa Mabolo Street, Josephine Village sa nabanggit na barangay.

Narekober sa mga suspek ang dalawang sachet ng shabu. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments