2 kawal patay sa duwelo
June 5, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Dalawang sundalo ng Philippine Army ang iniulat na bumulagtang patay makaraang magduwelo habang naglalakad sa kahabaan ng Barangay Sarayan sa bayan ng President Roxas, North Cotabato kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang dalawang sundalo na sina Sgt. Antonio Sinfuego ng 39th Infantry Battalion at M/Sgt. Rudolfo Cacho ng Armys Intelligence and Security Unit sa Davao City.
Ayon sa ulat, bago pa maganap ang duwelo ay narinig ng mga residente na nagtatalo ang dalawa habang naglalakad patungo sa palengke.
Napag-alaman pa na si Sinfuego ay detachment commander ng Army-village militia detachment sa Barangay Sarayan, samantala, si Cacho ay Army agent na napaulat na malimit maniktik sa mga ikinikilos ng rebeldeng New Peoples Army sa nasabing barangay.
Nabatid sa mga nakasaksi sa duwelo na kapwa nagbunot ng baril ang dalawa hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok at nang maglaho ang makapal na usok ay duguang nakabulagta ang dalawang kawal. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended