Kinilala ang dalawang napatay na sina Benjamin Perea, retiradong Army captain ng 2nd Infantry Division (ID) na nakabase sa Tanay, Rizal at Reynaldo Toledo, ng Lagundi, Morong, Rizal.
Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni PACER Chief P/Sr. Supt. Alan Purisima, naganap ang engkuwentro bandang alas-3:15 ng madaling-araw sa Brgy. Matalatala sa bayan ng Mabitac.
Nabatid na ang mga suspek ay kasamahan ng apat na nahuling kidnaper na iprinisinta sa Camp Crame ni PNP Chief P/Director General Hermogenes Ebdane kamakailan.
Kasalukuyang nagsasagawa ng surveillance operations ang mga awtoridad laban sa nakalalaya pang miyembro ng Ilongo-Waray KFR gang nang matiyempuhan ang sasakyan ng mga suspek na Honda Sedan (UTC-854) sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Matalatala.
Hinabol ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga suspek hanggang mauwi sa mainitang shootout.
Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang armalite rifle, kalibre .45 pistol, P40,000 at dalawang granada, gayundin ang sasakyan.
Base sa rekord ng pulisya, ang grupo ng mga suspek ay responsable sa pagdukot sa negosyanteng si Danilo Tiu noong Mayo 23 sa Antipolo City, gayundin sa dalawa pang Filipino-Chinese na sina Mayson at Jenny Ang, ng Valenzuela City nitong unang bahagi ng Mayo 2003. (ULat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)