2 babae ni-rape bago pinatay
June 1, 2003 | 12:00am
Dalawang babae ang iniulat na ni-rape saka pinatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Cavite at Bulacan kamakalawa.
Tadtad ng saksak ng patalim ang katawan ni Josephine Tan, 44, dalaga at katiwala sa BMK Lumber and Hardware sa J.P. Rizal St., Barangay, Silang, Cavite.
Samantala, nagtamo naman ng malaking sugat sa ulo si Rosalie Pacao, may-asawa, saleslady at residente ng Block 4 Lot 23 Carissa 4-B PNWE, Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan.
Wala pang matukoy na suspek sa pagkakapaslang kay Tan habang tinutugis naman si Joey Ignacio na pangunahing suspek kasong rape at murder kay Pacao.
Ang duguang bangkay ni Tan ay natagpuan sa loob ng banyo sa pinapasukang hardware bandang ala-1 ng madaling-araw, ayon kay PO2 Erick Ambojia.
May palagay ang pulisya na dalawa hanggang apat na hindi kilalang lalaki ang pumasok sa pinapasukang hardware ng biktima saka isinagawa ang maitim na balak.
Kasunod nito, nadiskubre naman ang bangkay ni Pacao sa loob ng traysikel (PY-3362) ng suspek na si Ignacio na pinaniniwalaang lango sa droga.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nawawala ang mga alahas ng biktima kabilang na ang hand bag nito na naglalaman ng hindi nabatid na halaga. (Ulat nina Cristina G.Timbang at Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest