3 patay, 19 survivor sa lumubog na bangka
May 31, 2003 | 12:00am
Burias, Masbate Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi habang 19 pa ang nailigtas matapos na aksidenteng lumubog ang isang pampasaherong bangka sa karagatan ng bayang ito, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang mga nasawing biktima na narekober ang lumulutang na mga bangkay sa karagatan na sina Meynard Magsenido, Dislang Acombre ng San Pascual, Masbate at Am-am Cabitan.
Batay sa ulat, ang 19 survivors kabilang ang isang Bert Magsenido, 35-anyos ay kahapon lamang nasagip ng mga lokal na mangingisda na pumalaot sa nasabing lugar.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang mga biktima ay lulan ng bangkang Viva Sto. Niño ay nagpumilit maglayag nitong nakalipas na Miyerkules bandang alas-10 ng umaga sa pantalan ng Burias sa kabila ng masungit na panahon.
Habang naglalayag ay binalya ang bangka ng dambuhalang alon hanggang sa tuluyan itong tumaob na siyang ikinasawi ng mga biktimang pawang hindi marunong lumangoy. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest