6 ASG terrorist nalambat
May 31, 2003 | 12:00am
Anim na itinuturong notoryus na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na pangunahing sangkot sa pagdukot sa 21 katao kabilang na ang 18 Europeans sa Sabah, Malaysia noong taong 2000 at Dos Palmas kidnapping noong 2001 ang nadakip ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa isinagawang serye ng operasyon sa Western Mindanao.
Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi nina Philippine National Police (PNP) P/Director General Hermogenes Ebdane at Interior and Local Government Secretary Joey Lina na apat sa mga nahuling bandido ay pawang may patong sa ulo kapalit ng kanilang ikadarakip.
Kinilala ang mga suspek na sina Said Alah Usman alyas Kaiser Said, may patong sa ulong P1-M ; Nasser Abubakar Omar alyas Nasser Usma; Mahamud Hajan Amdani alyas Majindi Isnani, P150,000; Said Tayong Alrasid alyas Arik Arasid/Said Tayong Arik, P150,000 at Omar Opit Lasal alyas Merang Abante/Abu Abubakar, P1-M at Muras Kangal, P150,000. Sina Merang at Kangal ay di kasama sa mga iniharap sa media dahilan sumasailalim pa sa masusing tactical interrogation.
Nabatid na ang mga suspek ay sangkot sa Sipadan kidnapping sa Sabah, Malaysia noong Abril 23, 2000 kung saan kabilang sa 21 kataong dinukot ay 18 Europeans na itinago sa lalawigan ng Sulu; pagdukot sa 20 katao kasama sina American missionary Gracia at Martin Burnham na naganap sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City Palawan noong Mayo 27, 2001; pagkidnap kina ABS-CBN broadcast journalist Mae Ann Macapagal at cameraman Val Cuenca noong 2001.
Gayundin sa pagdukot kay American Jeffrey Craig Edwards Schilling sa Patikul, Sulu noong 2000 at nasa likod din ng madugong pag-atake sa Dr. Torres Memorial Hospital sa Lamitan, Basilan noong 2001. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended