^

Probinsiya

5 pang bangkay lumutang

-
Camp Pantaleon Garcia, Cavite – Lima pang bangkay ng nasawing mga pasahero ng M/V San Nicolas kabilang ang apat na babae ang natagpuan ng search and retrieval team matapos na lumutang ang mga bangkay sa karagatan ng lalawigang ito kahapon.

Ayon sa ulat, ang narekober na mga bangkay ay kinabibilangan ng apat na babae at isang bata.

Nabatid na unang natagpuan ang bangkay ng dalawang babae matapos itong malambat ng mga mangingisda sa baybaying dagat ng Brgy. Muzon 1, Rosario, Cavite dakong alas-7 ng umaga.

Sumunod namang natagpuan bandang alas-10 ng umaga ang isa pang bangkay ng babae sa baybaying dagat sa bayan naman ng Tanza.

Habang ang isa pang biktima na isang dalagita na tinatayang nasa pagitan ng 10-15 anyos ay nakita naman sa Brgy. Caliluyo, Tanza, bandang alas-11 ng umaga.

Sinabi ng mga opisyal ng Phil. Coast Guard (PCG) na ang mga natagpuang bangkay ay positibong mga pasahero ng M/V San Nicolas na lumubog matapos na makabanggaan ang Super Ferry 12 sa may Corregidor Island nitong nakalipas na Mayo 18.

Magugunita na mahigit na sa 30 katao ang nasawi habang 203 naman ang nasagip na pawang pasahero ng M/V San Nicolas sa naganap na trahedya ng pagbabanggaan ng dalawang barkong nagsiksikan sa ruta ng karagatan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BRGY

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

COAST GUARD

CORREGIDOR ISLAND

CRISTINA G

SUPER FERRY

TANZA

V SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with