Sinabi ni Brig. Gen. Carduzo Luna, commander ng Armys 602nd Infantry Brigade, si MILF Commander Diandal ang namuno sa pag-atake sa naturang barangay kaya nagkaroon ng matinding tensyon ang mga residente.
Bawat makitang bahay ay pinapaputukan, maging ang mga nagsisipanakbong sibilyan na nagkukubli ay binabaril hanggang sa mapuruhan ang anim.
Ayon kay Luna, bago isinagawa ang pagpatay sa anim na sibilyan at panununog ng sampung bahay ay tinangkang salakayin ng mga rebelde ang dalawang military detachment sa Sitio Biong at Bunong sa Barangay Macabenban, Carmen, North Cotabato.
Hindi naman natinag ang tropa ng militar sa sunud-sunod na pagpapaulan ng rocket ng MILF rebels bagkus ay nakahanda sa anumang gagawing pagsalakay.
Natunugan ng mga rebelde na binalewala ng tropa ng militar ang pagpapaulan ng rocket kaya binalingan ang mga residente bago nanunog ng sampung bahay sa nabanggit na barangay.
Bago tumakas ang mga rebelde ay tinangay pa nito ang mga alagang hayop ng mga residente saka sinunog ang sampung bahay na pag-aari ng mga sumusuporta sa opensiba ng militar. (Ulat nina John Unson at Roel Pareño)