Naitala ang panununog ng mga rebelde bandang alas-9:10 ng gabi matapos samantalahin na walang daloy ng kuryente ang buong lalawigan.
Aabot sa dalampung rebelde ang pumasok sa compound ng cell site na binabantayan ng dalawang security guard pero walang nagawa dahil sa takot na mapatay.
Matapos na isagawa ang pananabotahe ay hinatak ng mga rebelde ang dalawang guwardiya papalabas ng compound saka iniwan ng may 200 metro ang layo.
Bago tumakas ay tinangay pa ng mga rebelde ang baril ng dalawang sekyu kasama na ang kanilang cellphone.
Base sa ulat ng pulisya, ikalawang cell site na ng Globe ang sinasabotahe ng mga rebelde sa motibong hindi pagbibigay ng revolutionary tax ng may-ari sa makakaliwang kilusan.
Nairita naman ang mga residente at negosyante sa mga rebelde dahil sa naapektuhan ang kanilang negosyo dahil sa kawalan ng signal. (Ulat ni Ed Casulla)