P2.5-M pondo ipinalabas ni GMA
May 29, 2003 | 12:00am
Nagpalabas ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng pondong P2.5 milyon para makapagpatayo ng karagdagang silid-aralan sa mahihirap na barangay sa Cavite.
Sa kanyang pahayag sa seminar-workshop ng mga guro ng siyensiya ng National Science High School sa Maragondon, Cavite, sinabi ng Pangulo na ang kakulangan ng silid-aralan ay dapat na sagutin ng school board fund ng mga lokal na pamahalaan.
Sakalit kulang na ang pondo ng school board, sinabi ng Pangulo na dito na papasok ang gobyerno nasyonal para magkaloob ng ayuda dahil ang edukasyon ay kabilang sa mga serbisyong sagot na ng pamahalaang lokal.
Hinggil sa problema ng kakulangan sa guro, sinabi ng Pangulo na magpapatupad ang Department of Education ng "Distance Learning Program."
Sinabi ng Pangulo na ang "Distance Learning Program" ay isang makabagong sistema ng pagtuturo na mas maraming mag-aaral ang natuturuan ng isang guro sa pamamagitan lang ng isa o dalawang silid-aralan sa pamamagitan ng computer at sa iisa lamang sesyon.
Ang Bagong Bayan Elementary School sa Silang, Cavite ay may 131 estudyante sa bawat guro. Sa Pintong Gubat Elementary School sa Dasmariñas, Cavite, 241 mag-aaral naman sa iisang silid-aralan.
Ipinabatid din ng Pangulo sa mga guro na ang Filipino Chinese Chamber of Commerce ay nangako ng tulong sa pamahalaan para magpatayo ng mga paaralang elementarya at high school.
"We will try to close the classroom gap immediately, kawawa naman ang mga estudyante," anang Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
4 hours ago
Recommended