Base sa ulat ni P/Chief Supt. Isidro Lapena, Southern Mindanao police commander, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan na may mga rebeldeng nagpapahinga sa bahagi ng nabanggit na barangay. Agad namang rumesponde ang mga elemento ng 701st Infantry Brigade at miyembro ng pulisya sa Davao del Norte para beripikahin ang ulat.
Hindi pa nakakalapit ang mga sundalo at pulis sa binanggit na barangay ay sinalubong na sila ng sunud-sunod na putok pero agad namang gumanti.
Napag-alaman ng militar na ang mga rebelde ay bumisita sa Barangay Madaum para ipagamot ang kanilang kasamahang sugatan sa naganap na engkuwentro sa Central Mindanao.
Gayunman, walang narekober na bangkay ng mga rebelde dahil sa binitbit na nang nagsitakas na MILF partikular na ang mga sugatan.
Patuloy namang tinutugis ng militar ang mga rebelde sa hindi binanggit na liblib na barangay na pinaniniwalaang nagkukuta sa kalapit na bayan para iwasan ang tumitinding opensiba ng pamahalaan. (Ulat ni Edith Regalado)