^

Probinsiya

Milyong ari-arian sinunog ng NPA rebels

-
BUTUAN CITY – Milyong halaga ng ari-ariang ginagamit sa paggawa ng kalsada sa Barangay Cuyago, Jabonga, Agusan del Norte ang iniulat na sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang hindi makapagbigay ng P12-milyong revolutionary tax ang may-ari ng construction firm kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa sinunog ng mga rebelde ay dalawang payloaders at prime mover na ginagamit sa road rehabilitation sa dalawang bayan sa Agusan del Norte ng Pascual Construction na nakabase sa Butuan City.

Ayon sa ulat ng pulisya, unang sinilaban ng mga rebelde ang communication facilities ng naturang kompanya saka isinunod ang tatlong heavy equipment.

Inatasan na ni P/Chief Supt. Alberto Rama Olario, Caraga police chief, ang kanyang mga tauhan na tugisin ang mga rebelde sa kabundukang sakop ng Barangay Cuyago, Agusan del Norte. (Ulat ni Ben Serrano)

AGUSAN

ALBERTO RAMA OLARIO

AYON

BARANGAY CUYAGO

BEN SERRANO

BUTUAN CITY

CHIEF SUPT

NEW PEOPLE

NORTE

PASCUAL CONSTRUCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with