Ibinasura rin ng korte ang kahilingan ni dating Mayor Teofisto Pantaleon Jr., na magsagawa ng panibagong paglilitis at ang motion for reconsideration ni dating treasurer Jaime Vallejos.
Ayon kay Associate Justice Rodolfo Palattao, walang merito ang kahilingan ng dalawa at pinagtitibay ng Sandiganbayan Forth Division ang naunang ipinalabas na hatol.
Hindi naman nagustuhan ni Associate Justice Gregory Ong, chairman ng Forth Division ang sinabi ni Pantaleon na posibleng may pagkakamali siya at si Associate Justice Ma. Cristina Cortez-Estrada sa paghawak ng kaso dahil mga bagong kasapi lamang sila ng Forth Division.
Ayon kay Ong, lahat ng kanilang desisyon ay dumadaan sa masusing pag-aaral at konsultasyon sa isat isa base sa ipiniprisintang ebidensiya ng prosekusyon.
Bukod sa tatlong habambuhay na ipinataw sa mga akusado, inatasan din ng Forth Division ang dalawa na ibalik sa lokal na pamahalaan ng Castillejos ang naturang halaga. (Ulat ni Malou Escudero)