^

Probinsiya

3 habambuhay sa 2 lokal opisyal

-
Ibinasura kahapon ng Sandiganbayan ang kahilingan ng dating alkalde at treasurer ng Castillejos, Zambales ang naunang hatol sa kanila na pagkabilanggo ng 120-taon dahil sa paglustay ng pondo ng gobyerno na nagkakahalaga ng P411,341.20.

Ibinasura rin ng korte ang kahilingan ni dating Mayor Teofisto Pantaleon Jr., na magsagawa ng panibagong paglilitis at ang motion for reconsideration ni dating treasurer Jaime Vallejos.

Ayon kay Associate Justice Rodolfo Palattao, walang merito ang kahilingan ng dalawa at pinagtitibay ng Sandiganbayan Forth Division ang naunang ipinalabas na hatol.

Hindi naman nagustuhan ni Associate Justice Gregory Ong, chairman ng Forth Division ang sinabi ni Pantaleon na posibleng may pagkakamali siya at si Associate Justice Ma. Cristina Cortez-Estrada sa paghawak ng kaso dahil mga bagong kasapi lamang sila ng Forth Division.

Ayon kay Ong, lahat ng kanilang desisyon ay dumadaan sa masusing pag-aaral at konsultasyon sa isa’t isa base sa ipiniprisintang ebidensiya ng prosekusyon.

Bukod sa tatlong habambuhay na ipinataw sa mga akusado, inatasan din ng Forth Division ang dalawa na ibalik sa lokal na pamahalaan ng Castillejos ang naturang halaga. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE GREGORY ONG

ASSOCIATE JUSTICE MA

ASSOCIATE JUSTICE RODOLFO PALATTAO

AYON

CASTILLEJOS

CRISTINA CORTEZ-ESTRADA

FORTH DIVISION

IBINASURA

JAIME VALLEJOS

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with