^

Probinsiya

Trader pinatay ng 2 katulong

-
BUTUAN CITY– Pinagpapalo ng matigas na kahoy saka ginilitan hanggang sa mapatay ang isang Tsinoy trader ng dalawa nitong katulong na lalaki sa loob ng tindahan sa Languhan District sa lungsod na ito noong Sabado ng gabi.

Natagpuan ang bangkay ni William Lua, 37 sa loob ng kanyang establisimiyentong Barato Marketing sa naturang lugar na pinaniniwalaang pinatay sa pagitan ng alas-6 hanggang alas-7 ng gabi habang nagsasarado ng kanyang tindahan.

Base sa impormasyong nakalap ng pulis na bago nadiskubre ang bangkay ni Lua ay nagkaroon muna nang pagtatalo ang mayamang negosyante laban sa dalawa nitong katulong na lalaki.

Naobserbahan nila na kakaiba ang ikinikilos ng dalawang katulong matapos na makipagsagutan sa biktima na pinaniniwalaang pinagtulungang patayin dahil sa matinding galit sa kanilang amo. (Ulat ni Ben Serrano)

vuukle comment

BARATO MARKETING

BEN SERRANO

LANGUHAN DISTRICT

LUA

NAOBSERBAHAN

NATAGPUAN

PINAGPAPALO

SABADO

TSINOY

ULAT

WILLIAM LUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with