Brgy. chairman patay sa granada
May 27, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Isang barangay chairman ang iniulat na nasawi, samantala, lima naman ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang ihinagis na granada ng senglot na sundalo sa labas ng videoke pub sa Barangay Sibsib, Tulunan, North Cotabato kamakalawa.
Ang biktima na tinamaan ng maraming shrapnel sa katawan ay nakilalang si Adjutor Padillo, samantala, ang malubhang nasugatan ay kinilalang sina SPO2 Gerry Agustino, Felipe Pauya, Mark Solog, Raymund Valencia at Rolita Robiño.
Napatay naman ang sundalong nag-amok na nakilala lamang Cpl. Cocal ng Armys 47th Infantry Battalion matapos na magresponde ang mga civilian volunteer.
Base sa imbestigasyon ng pulis-Tulunan, lango na sa alak si Cpl. Cocal nang maghamon ng suntukan sa ilang kustomer sa loob ng videoke pub.
Ipinagbigay-alam naman ng ilang residente kay Padillo at mga barangay tanod ang pangyayari kaya agad namang nagresponde.
Dahil sa tumangging sumama sa barangay hall si Cpl. Cocal ay nagpasabog ito ng granada na ikinasawi ng biktima at ikinasugat ng lima.
Aktong magpapasabog uli ng granada si Cpl. Cocal ay mabilis namang pinagbabaril ng mga civilian volunteer. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended