^

Probinsiya

Taiwanese trader dinukot

-
CAMP CRAME – Isang Taiwanese trader na may dalang P5 milyong treasury warrant forms ang iniulat na nawawala matapos itong eskortan ng kanyang dalawang empleyado sa paglalayag sa karagatan habang nagbabakasyon sa El Nido, Puerto Princesa City, Palawan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang pinaghahanap na negosyante na si Tang Huan, 36, habang patuloy naman ang manhunt operations sa dalawa nitong empleyado na kinilalang sina Richard Bona at Arvie Acebuche, pawang mga tubong Masbate.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng pulisya ang posibilidad na dinukot at pinaslang ang biktima matapos marekober kamakalawa dakong alas-8:40 ng umaga ang speedboat na sinakyan nito.

Nabatid na ilang testigo ang nakakita kina Bona at Acebuche sa baybayin at nagmotorsiklo patungo sa Brgy. Liminangcong, Puerto Princesa City pero hindi kasama si Huan.

Ang dalawang suspek ay may dala umanong kulay itim na attache case na pinaniniwalaang pag-aari ni Huan maliban pa sa malaking halaga.

Lumitaw pa sa imbestigasyon na si Huan ay mahigit tatlong araw nang nawawala matapos itong eskortan sa paglalayag sa karagatan lulan ng speedboat. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ACEBUCHE

ARVIE ACEBUCHE

BRGY

EL NIDO

HUAN

ISANG TAIWANESE

JOY CANTOS

PUERTO PRINCESA CITY

RICHARD BONA

TANG HUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with