^

Probinsiya

3 amasona sumuko

-
Camp Crame –Tatlong amasona kabilang ang dalawang menor-de-edad ang boluntaryong sumuko sa pulisya sa lalawigan ng Abra kamakalawa.

Kinilala ang mga sumuko na sina Madel Agabas, 15; Irene Salingbay, 19; at Myrna Salingbay, 15; pawang ng Sitio Calambat, Brgy. Cullago ng nasabing probinsiya.

Batay sa ulat, bandang alas-7 ng umaga nang sumurender ang tatlong amasona sa himpilan ng Abra Police.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga baril na kinabibilangan ng isang M16 rifle at isang caliber .30 M1 garand rifle.

Sa isinagawang interogasyon, inamin ng mga surrenderees na nagdesisyon silang sumuko sa batas bunga ng matinding hirap sa pamumuhay sa kabundukan.

Bukod dito ay hindi na nila masikmura ang matinding demoralisasyon sa grupo ng kilusang komunista.

Nabatid na ang tatlo ay pawang mga bagong recruit na rebelde na napasailalim sa pamumuno ng isang tinukoy ng mga itong Commander Procopio Tauro na aktibong kumikilos sa Tineg, Abra.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng pulisya ang mga sumukong rebelde. (Ulat ni Angie de la Cruz)

vuukle comment

ABRA

ABRA POLICE

ANGIE

CAMP CRAME

COMMANDER PROCOPIO TAURO

IRENE SALINGBAY

MADEL AGABAS

MYRNA SALINGBAY

SITIO CALAMBAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with