^

Probinsiya

Lola nilapang ng 12 baboy, todas

-
Mabini, Batangas – Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang 74 anyos na lola matapos itong lapangin ng 12 baboy habang pinakakain ang kanyang mga alagang hayop sa bayang ito nitong nakalipas na Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Noel Sandoval, hepe ng Mabini Police ang biktima na si Juana Bantugon, ng Brgy. Estrella na natagpuang gutay-gutay na ang katawan sa loob ng piggery matapos papakin ng kanyang alagang mga baboy.

Ayon sa ulat, bandang alas-6 ng gabi ng umalis si Bantugon sa kanyang tahanan para pakanin ang gutom na gutom na nitong mga baboy sa kanyang piggery na may 200 metro ang layo mula sa tahanan ng matanda nang mabigo itong makabalik.

Nang hindi umuwi ang matanda ay sinundan ito ng isa nitong kamag-anak at laking gulat nito nang maabutan pa ang nalalabi pang katawan ng matanda habang kinakain ng kanyang mga baboy.

"Bukod sa mga mata, tenga at iba’t-ibang bahagi ng kanyang mukha, kinain rin ng mga baboy ang kanyang braso at mga binti. Pati bituka ng matanda at lamang loob ay kinain na rin ng mga baboy ng matagpuan siya ng kanyang mga kamag-anak", pahayag ng mga imbestigador.

Sinabi naman ni Dr. Luisita Ramos, Municipal Health Officer sa bayan ng Mabini, posible umanong inatake sa puso ang biktima at hinimatay bago pa man ito kainin ng kanyang mga alagang hayop.

Kinumpirma naman ng pamilya ng biktima na may sakit sa puso at hypertension ang matanda.

Nagdesisyon naman ang pamilya ng biktima na patayin ang mga baboy na kumain sa matanda at ilibing na lamang ang nasabing mga hayop sa kanilang bakuran. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BABOY

DR. LUISITA RAMOS

JUANA BANTUGON

KANYANG

MABINI

MABINI POLICE

MUNICIPAL HEALTH OFFICER

NOEL SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with