Away ng 2 pamilya: 2 patay

CARAMOAN, Camarines Sur – Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang mag-away ang magkalabang pamilya sa Barangay Maguida sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Diego Priol, 25, binata, magsasaka at Benito Bermil na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Agad naman tumakas ang suspek na si Rhoderick Bermil matapos na patayin si Diego bandang alas-6 ng gabi.

Base sa ulat ng pulisya, matapos na makaabot sa kaalaman ng magkakapatid na sina Niño, Danilo at Estrepon Priol na napatay ang kanilang utol na si Diego ay nagtungo ang tatlo sa bahay ng pamilya Bermil sa nabanggit na barangay.

Hindi naman inabutan ng tatlo ang pumatay sa kanilang utol at ang napagbalingang patayin ay si Benito Bermil. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments