Sanggol, 1 pa patay sa road accident

CAMP WENCESLAO Q. VINZONS SR., Camarines Norte – Dalawa-katao kabilang ang walong buwang sanggol ang kumpirmadong nasawi, samantala, apat naman ang malubhang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Camarines Norte kamakalawa.

Ang mga biktimang namatay ay nakilalang sina Jaypee Cabrera at Sofrenio Villania, 60, ng Barangay Poblacion, Talisay, ng nasabing lalawigan.

Malubha naman nasugatan sina Jimmy Cabrera, 33; Shirley Cabrera, 28; Herminio Vasquez at Rene Austria, 18, na pawang residente ng Calabagas, San Vicente, Camarines Norte.

Base sa ulat ng pulisya, lango sa alak ang driver ng jeep na si Vasquez nang sumalpok sa punong-kahoy na naging sanhi para mamatay ang sanggol.

Kasunod nito, nahagip, naman ng traysikel na minamaneho ni Rommel Palado si Villania habang tumatawid sa kahabaan ng Poblacion, Talisay, Camarines Norte. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments