^

Probinsiya

2 patay, 19 grabe sa bus vs jeep

-
ATIMONAN, Quezon – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi, samantala, labinsiyam pa ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang pampasaherong bus at jeep sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Angeles sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang dalawang namatay na sina Carlos Cabelis ng Quezon City at Jaime Villaluz, driver ng jeep at residente ng Labo, Camarines Norte.

Inoobserbahan naman sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City at Doña Marta Hospital sa Atimonan ang mga biktimang malubhang nasugatan sa aksidente.

Naitala ang aksidente bandang ala-1:15 ng madaling-araw sa pakurbadang kalsada sa naturang lugar.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, tinatahak ng jeep (EBF-477) ang kahabaan ng Maharlika Highway patungong Maynila nang makasalubong ang bus (NRT-537) na patungo naman sa Camarines Norte sa pakurbadang kalsada.

Dahil sa mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan ay hindi na nakaiwas pa hanggang sa maganap ang aksidente. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

vuukle comment

BARANGAY ANGELES

CAMARINES NORTE

CARLOS CABELIS

CELINE TUTOR

JAIME VILLALUZ

LUCENA CITY

MAHARLIKA HIGHWAY

MARTA HOSPITAL

QUEZON CITY

QUEZON MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with