Pulis dinakip sa pangongotong
May 21, 2003 | 12:00am
LUCENA CITY, Quezon Isang pulis na nakatalaga sa PNP Maritime Group ang iniulat na inaresto ng mga awtoridad makaraang maaktuhang nangingikil sa isang fish broker sa Barangay Dalahican sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Danny Ramon Siongco, police chief sa lungsod na ito, ang suspek na si SPO2 Arnulfo Abenia, 43, may asawa ng 50th PNP Maritime Group na nakabase sa Masbate City at residente ng naturang lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na humingi ng tulong si Paulino Sayat sa mga awtoridad tungkol sa pangingikil ng suspek.
Ayon kay Sayat, pinipilit siya ng suspek na magbigay ng malaking halaga bilang protection money at kung hindi makapagbibigay ay kukumpiskahin ang negosyong isda.
Agad namang nagsagawa ng entrapment ang mga elemento ng PNP Intelligence and Investigation Division at pulis-Lucena kaya bandang alas-10:15 ng umaga nang maaktuhan ang suspek na kinukuha ang P50,000 mula sa biktima. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended