Utol ni Maganto, dakip sa shabu
May 20, 2003 | 12:00am
STA. MARIA. Bulacan Apat-katao kabilang na ang kapatid na negosyante ni Gen. Romeo Maganto ang iniulat na dinakip ng pulisya ng Bulacan sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng ospital sa Sitio Dulong-Bayan, Barangay Poblacion sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Nakumpiskahan ng 50.5 gramo ng shabu ang mga suspek na sina Rodolfo Maganto, 49, may asawa; live-in partner na si Graciana Araos, 29; Lita Crefaldio, 42, na pawang residente ng City of San Jose del Monte, Bulacan at Emelita Araos, 52, biyuda ng FVR Village, Norzagaray ng nasabing lalawigan.
Sa ulat ni SPO2 Ernesto Sta. Ana at PO3 Ricardo Ibera na isinumite kay P/Supt. Enrico Salapong, police chief ng naturang bayan, naitala ang pangyayari bandang alas-2 ng hapon sa St. Marys Hospital.
Ayon sa pulisya, nagtungo si Rodolfo sa nabanggit na ospital at nagpanggap na pasyente dahil sa kanyang modus operandi.
Lingid sa kaalaman ni Rodolfo ay nagpanggap na buyer ang isang pulis-Bulacan hanggang sa makumpiskahan ng 10 piraso ng sachet na naglalaman ng 50.5 gramo ng shabu at P90,000 marked money na ginamit sa buy-bust ng pulisya at walang piyansang inirekomenda. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended