Duguan ang kinaroroonang outpost ng biktimang si Vener Tenorio, binata at residente ng Barangay Amuyong, Alfonso, Cavite.
Pinasok ng mga armadong hindi kilalang kalalakihan ang compound na binabantayan ng biktima saka pinaputukan ng sunud-sunod at hindi nabatid kung ito ay napatay.
Base sa ulat ni SPO3 Felix Avilla, naitala ang pangyayari dakong alas-8:30 ng gabi makaraang makarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok.
Hindi naman agad nabatid ng pulisya kung saan dinala ang biktima na pinaniniwalaang itinapon sa ibang bayan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)