Sekyu ng Smart dinukot
May 19, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pinagbabaril bago dinukot ang isang 25-anyos na security guard ng Smart cellsite ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Barangay Mataas na Lupa, Indang, Cavite.
Duguan ang kinaroroonang outpost ng biktimang si Vener Tenorio, binata at residente ng Barangay Amuyong, Alfonso, Cavite.
Pinasok ng mga armadong hindi kilalang kalalakihan ang compound na binabantayan ng biktima saka pinaputukan ng sunud-sunod at hindi nabatid kung ito ay napatay.
Base sa ulat ni SPO3 Felix Avilla, naitala ang pangyayari dakong alas-8:30 ng gabi makaraang makarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok.
Hindi naman agad nabatid ng pulisya kung saan dinala ang biktima na pinaniniwalaang itinapon sa ibang bayan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 23 hours ago
By Cristina Timbang | 23 hours ago
By Tony Sandoval | 23 hours ago
Recommended