^

Probinsiya

MILF kumander, 13 pa sumuko sa militar

-
CAMP AGUINALDO Dahil sa matinding puwersang pinaiiral ng militar at patuloy na operasyon ay nagdesisyong sumuko ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front at labintatlo pang kasama nito kamakalawa sa Barangay Tual, Pres. Quirino, Sultan Kudarat.

Kabilang sa sumuko ay nakilalang si Abdulaziz Mamadla, alyas Kumander Tropical ng 3rd Battalion, 103rd Brigade ng Bangsamoro Islamic Armed Forces.

Nakilala naman ang mga sumukong tauhan ni Mamadla na sina Monsor Sangkigay, Basit Umpra, Daton Kalim, Sangkigay Rusta, Kasa Imbok, Abdillah Marandog, Guimemn Agal, Samir Alon at ang magkakapatid na Omar, Togs, Misuari, Moen at Kamaru Mamadla.

Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas na ngayon ay nasa custody ng Army’s 47th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Naging dahilan din ng pagsuko ng mga rebelde ang malawakang demoralisasyon sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front, bukod pa sa matinding pressure ng militar. (Ulat ni Joy Jantos)

ABDILLAH MARANDOG

ABDULAZIZ MAMADLA

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES

BARANGAY TUAL

BASIT UMPRA

DATON KALIM

GUIMEMN AGAL

INFANTRY BATTALION

JOSELITO KAKILALA

JOY JANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with