3 preso pumuga
May 16, 2003 | 12:00am
Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pamumuno ni P/Sr. Supt. Antonio Cruz, matapos na muling matakasan ng tatlong preso mula sa Burgos district jail sa Pangasinan noong Miyerkules ng madaling-araw, Mayo 14, 2003.
Kabilang sa nakapuga ay nakilalang sina Edgardo Fernandez, Brian Marzan at Romeo Maghinay na pawang may mga kasong illegal possession of firearms and ammunition, murder at grave threat.
Isinailalim naman sa imbestigasyon si jailwarden Clemente Plastina, dalawang jail guard na sina SJO1 William Foselero at JO1 Jose Gabuntan sa naganap na jailbreak.
Lumilitaw sa ulat na isinumite sa Department of Interior and Local Government (DILG), sinamantala ng mga preso ang malakas na ulan at kawalan ng kuryente sa naturang kulungan kaya nakapuga. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest