Sa isinumiteng ulat kay P/ Supt. Danny Ramon E. Siongco, police chief sa lungsod na ito, ang dalawa ay naligo sa naturang ilog kasama ang ilang kaibigan habang bumubuhos ang ulan.
Ayon sa ulat ng pulisya, huling namataan ang mga biktima ng kanilang kaibigan na animoy humihingi ng tulong dahil sa malakas ang agos hanggang sa lamunin ng tubig. (Ulat ni Tony Sandoval)
Base sa ulat ng pulisya, ang bangkay ni Fernandez ay nadiskubre sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas dakong alas-8 ng umaga na tadtad ng tama ng bala ng baril sa dibdib at ulo, samantala, si Lasala, 37, ay natagpuan sa loob ng traysikel sa Barangay Sta. Maria sa bayang ito dakong alas-9 ng umaga.
Kasalukuyan namang bineberipika ang pagkakakilanlan ng pangatlong biktima na natagpuan sa Barangay Salawag at may tattoo sa kanang kamay na Jinky, nakasuot ng abuhing t-shirt at pantalong maong. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Si Pelencio Villaraza, 45 ay binistay ng bala ng baril habang ang kanyang anak na si Andoy ay isinugod naman sa Bicol Medical Center ng ilang kapitbahay matapos na pasukin ng mga rebelde ang kanilang bahay sa nabanggit na barangay dakong alas-2 ng madaling-araw.
Nagkataon namang wala ang asawat anak ni Pelencio nang maganap ang krimen kundi nadamay sa pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)
Ayon kay P/Supt. Enrico Salapong, police chief sa bayang ito, napatay sa barilan si Ricardo Sibal Jr., 27 matapos na humingi ng tulong sa pulisya ang biktimang si Paulino Gumapas na hinoldap nina Sibal at ang malubhang nasugatang si Adrian Valderama.
Hinabol ng pulisya ang dalawang holdaper na nakamotorsiklo (NV-4679) hanggang sa masukol at makipagbarilan sa mga awtoridad. (Ulat ni Efren Alcantara)