^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
2 bata nalunod sa ilog
LUCENA CITY – Kapwa malamig na bangkay nang matagpuan sina Robin Ace Esguerra, 9 at Marissa Marasigan, 7, makaraang anurin ng malakas na agos ng tubig habang naliligo sa ilog ng Iyam na sakop ng Barangay Ilayang Iyam sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Sa isinumiteng ulat kay P/ Supt. Danny Ramon E. Siongco, police chief sa lungsod na ito, ang dalawa ay naligo sa naturang ilog kasama ang ilang kaibigan habang bumubuhos ang ulan.

Ayon sa ulat ng pulisya, huling namataan ang mga biktima ng kanilang kaibigan na animo’y humihingi ng tulong dahil sa malakas ang agos hanggang sa lamunin ng tubig. (Ulat ni Tony Sandoval)
3 na namang biktima ng ‘salvage’ natagpuan sa Cavite
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinaniniwalaang naging biktima ng summary execution sina Salvador Fernandez, Rogelio Lasala at isang hindi kilalang lalaki makaraang matagpuan ang bangkay sa tatlong barangay sa Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga.

Base sa ulat ng pulisya, ang bangkay ni Fernandez ay nadiskubre sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas dakong alas-8 ng umaga na tadtad ng tama ng bala ng baril sa dibdib at ulo, samantala, si Lasala, 37, ay natagpuan sa loob ng traysikel sa Barangay Sta. Maria sa bayang ito dakong alas-9 ng umaga.

Kasalukuyan namang bineberipika ang pagkakakilanlan ng pangatlong biktima na natagpuan sa Barangay Salawag at may tattoo sa kanang kamay na Jinky, nakasuot ng abuhing t-shirt at pantalong maong. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Mag-ama niratrat ng NPA rebs
LIBMANAN, Camarines Sur – May posibilidad na tumatangging magbigay ng revolutionary tax ang isang magsasaka kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army na ikinasugat din ng malubha ng kanyang anak sa Sitio Ragay, Barangay Bical sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Si Pelencio Villaraza, 45 ay binistay ng bala ng baril habang ang kanyang anak na si Andoy ay isinugod naman sa Bicol Medical Center ng ilang kapitbahay matapos na pasukin ng mga rebelde ang kanilang bahay sa nabanggit na barangay dakong alas-2 ng madaling-araw.

Nagkataon namang wala ang asawa’t anak ni Pelencio nang maganap ang krimen kundi nadamay sa pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)
Holdaper napatay sa barilan
STA. MARIA, Bulacan – Isa sa lider ng holdap gang ang iniulat na napatay, samantala, ang kasama nito ay malubhang nasugatan makaraang makipagbarilan sa pulisya ng Sta. Maria sa Sitio Hulo, Barangay Guyong sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Supt. Enrico Salapong, police chief sa bayang ito, napatay sa barilan si Ricardo Sibal Jr., 27 matapos na humingi ng tulong sa pulisya ang biktimang si Paulino Gumapas na hinoldap nina Sibal at ang malubhang nasugatang si Adrian Valderama.

Hinabol ng pulisya ang dalawang holdaper na nakamotorsiklo (NV-4679) hanggang sa masukol at makipagbarilan sa mga awtoridad. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ADRIAN VALDERAMA

AYON

BARANGAY

BARANGAY BICAL

BARANGAY DATU ESMAEL

CAVITE

CENTER

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with