^

Probinsiya

Aleman kakasuhan ng smuggling

-
SUBIC BAY FREEPORT Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ng Enforcement and Security Service-Customs Police District si Reimer Wermer, German national, at iba pang kasamahan nito sa pagpupuslit ng dalawang imported luxury vehicles na ginamitan ng huwad na dokumento at plaka.

Sa isinumiteng ulat ni Customs Police District Chief Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, sasampahan ng kasong kriminal ang naturang Aleman dahil sa paglabag nito sa ilalim ng anti-smuggling law dahil sa pagpupuslit ng dalawang imported na BMW car kamakailan.

Ayon kay Manuel, napag-alaman na ginamitan ng mga pekeng dokumento, LTO plate no. na CTC-606 at CTC-676 at SBMA pass sticker na kapwa ikinabit sa dalawang sasakyan nang ipuslit sa Subic Freeport ni Wermer at isa nitong kaibigang Aleman sa yarda ng Global International (Subic) Phils. Corp. (GIPC) sa Lot 2 Boton Hiway, Subic Bay Freeport Zone.

Bunga nito, nakipag-ugnayan na ang Subic Customs Police sa PNP-Traffic Management Group upang marekober muli ang dalawang naipuslit na sasakyan na pinaniniwalaang nasa isang lugar sa lalawigan ng Tarlac.

Kasabay na nagpalabas ng warrant of seizure and detention si Subic Customs Collector (OIC) Andres Salvacion upang kumpiskahin ang apat pang unit ng BMW na pag-aari ni Wermer dahil sa pawang mga ‘misdeclaration at fraudulent" ang mga isinumiteng dokumento nito.

Unang dumating sa Port of Subic ang mga smuggled imported vehicle ni Wermer noong Marso 14, 2003 lulan ng barkong Sofie Maersk V. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ALEMAN

ANDRES SALVACION

BOTON HIWAY

CUSTOMS POLICE DISTRICT CHIEF CAPT

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

GLOBAL INTERNATIONAL

JEFF TOMBADO

MANUEL

PORT OF SUBIC

REIMER WERMER

WERMER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with