^

Probinsiya

Bading ni-rape pinatay

-
CAMP PANTALEON GARCIA, CaviteKarumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang tisay na bading na hinihinalang ginahasa muna bago tinadtad ng saksak at itinapon sa isang ilog ng Bgy. Sto. Niño, Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ng pulisya ang biktima pero tinaya ito sa edad na 20-23 anyos, may taas na 5’5," mahaba ang buhok na kulay blonde, mestisahin at makinis ang balat.

Sa ibinigay na report ni PO2 Jo Patambang, may hawak ng kaso, ganap na alas-7 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa ilang residente dito na may lulutang-lutang na bangkay ng babae sa nasabing ilog.

Agad namang nagtungo ang mga pulis at iniahon ang bangkay.

Dito nila nalaman na hindi pala babae ang patay kundi isang bakla. Tadtad ito ng saksak sa katawan at tanging bra lamang ang suot at walang pang-ibaba.

Malaki ang hinala ng pulisya na maaaring napagkamalang babae ang biktima ng hindi pa kilalang mga salarin at kinursunada. Tinangka itong halayin subalit nang madiskubreng lalaki rin pala ito ay posible umanong nagalit ang mga suspek at pinagsasaksak ang biktima bago itinapon sa ilog.

"Hindi mo talaga iisiping bakla siya (biktima) kasi nga babaeng-babae talaga ang dating niya at makinis pa," pahayag ng isang saksi na nagsabi pa na nakikita umano niya ang biktima at talaga namang mapapalingon ka.

Gayunman, masusing inaalam ng pulisya kung ginahasa nga ang biktima bago pinatay dahil nang matagpuan ang bangkay ay wala na itong damit at bra lamang ang suot. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BGY

BIKTIMA

CAVITE

CRISTINA G

DASMARI

DITO

GAYUNMAN

HANGGANG

JO PATAMBANG

KARUMAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with