Ang 30 kahon ng mga gamot at laboratory products ay ibibigay ng American Foreign Policy Council bilang bahagi ng humanitarian aid para sa mga lalawigan ng Sulu, Cotabato at Davao.
Nabatid na ang mga nabanggit na kagamitan ay personal na ipamamahagi ni Defense Secretary Angelo Reyes sa Sulu Provincial Hospital, Pikit Evacuation Centers sa Cotabato at IP leaders sa Davao City.
Magugunita na maraming residente sa mga nabanggit na lugar ang inilikas sa mga evacuation centers bunsod na rin ng patuloy na panggugulo ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na bahagi ng paninindak nito sa pamahalaan. (Ulat ni Danilo Garcia)