^

Probinsiya

$2.2-M ilalaan ng US sa Mindanao

-
Camp Aguinaldo – Maglalaan ang pamahalaan ng Estados Unidos ng $ 2.2-M halaga ng mga gamot at iba pang produktong pang-laboratoryo sa Mindanao na naglalayong tulungan ang mga sibilyang naging biktima sa patuloy na digmaan ng militar at ng mga rebelde sa rehiyon.

Ang 30 kahon ng mga gamot at laboratory products ay ibibigay ng American Foreign Policy Council bilang bahagi ng humanitarian aid para sa mga lalawigan ng Sulu, Cotabato at Davao.

Nabatid na ang mga nabanggit na kagamitan ay personal na ipamamahagi ni Defense Secretary Angelo Reyes sa Sulu Provincial Hospital, Pikit Evacuation Centers sa Cotabato at IP leaders sa Davao City.

Magugunita na maraming residente sa mga nabanggit na lugar ang inilikas sa mga evacuation centers bunsod na rin ng patuloy na panggugulo ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na bahagi ng paninindak nito sa pamahalaan. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMERICAN FOREIGN POLICY COUNCIL

CAMP AGUINALDO

COTABATO

DANILO GARCIA

DAVAO CITY

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

ESTADOS UNIDOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PIKIT EVACUATION CENTERS

SULU PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with