New Tribes Mission di titigil sa pangangaral ng ebanghelyo
May 10, 2003 | 12:00am
Walang plano ang New Tribes Mission na huminto sa pangangaral ng mga salita ng Diyos sa rehiyon ng Mindanao sa kabila ng ginawang pagbubulgar ng isa nilang miyembro na si Gracia Burnham sa naging karanasan nito nang mapabilang sa kinidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).
"Tanging Diyos lamang ang makapagsasabi kung dapat na silang umalis sa lugar," pahayag ng isang dalagang misyonaryo ng nasabing sekta ng relihiyon na may base sa Mandaluyong City.
Sa kaniyang iniakdang aklat na pinamagatang "In the Presence of my Enemies," ibinulgar ni Burnham ang umanoy sabwatan ng militar at ASG sa illegal na aktibidades ng kidnapping kung saan isa umanong heneral ng AFP ang gustong makihati ng 50% sa ransom ng mga hostages gayong 20% lamang ang iniaalok ng Spokesman ng mga bandido na si Aldam Tilao alyas Abu Sabaya.
Si Burnham ay kabilang sa 20 kataong dinukot ng ASG sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27, 2001 at itinago sa Basilan.
Samantalang ang asawa nitong si Martin ay nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa palitan ng putok ng militar at ng mga bandido nang magsagawa ng rescue operations ang tropang gobyerno upang iligtas ang nalalabi pang mga hostages noong Hunyo 7, 2002 sa bulubunduking hangganan ng Siocon at Sirawai, Zamboanga del Norte.
Ayon pa sa nasabing misyonaryo na tumangging magpakilala, hindi titigil ang kanilang grupo sa pangangaral at pagpapalaganap ng ebanghelyo sa bansa partikular na sa mga lugar na sentro ng sagupaan ng mga rebeldeng Muslim at ng militar sa Katimugan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended