^

Probinsiya

5 pa patay sa atake ng MILF

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao – Limang rebelde ang kumpirmadong nasawi, samantala, apat naman ang malubhang nasugatan makaraang muling makasagupa ng tropa ng militar at civilian volunteers ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Tamar, Talayan, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Sinabayang umatake ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa nabanggit na barangay, ang paglusob ng ibang grupong rebelde sa Kabacan, North Cotabato kamakalawa na ikinasawi ng tatlong magsasaka at malubhang nasugatan ang tatlong sibilyan nang maipit sa barilan.

Sinabi ni Col. Agustin Dema-Ala, commander ng Army’s 301st Infantry Brigade ng Phil. Army na pinasok ng mga rebelde ang nabanggit na barangay mula sa tatlong direksyon para takutin ang mga rebelde.

Lingid sa kaalaman ng mg rebelde ay armado rin ng malalakas na kalibre ng baril ang mga opisyal ng barangay kaya agad na nagsiatras matapos ang ilang minutong palitan ng putok.

Namataan naman ng mga residente ang bangkay ng tatlong MILF na sina Kugay Datun, Malipolok Misikin at Malik Panalandang, samantala, dalawa pa ang nadiskubre malapit sa bahay na pag-aari ni Quirino Tawul, village chief.

Nakilala naman ang sugatang rebeldeng sina Patiyok Mokamad at Salingumba Kadir, samantala, ang dalawang sibilyang sugatan ay nakilalang sina Dira Gogo at Saguira Abdullah.

Base sa nakalap na impormasyon mula sa mga residente noong nakalipas na linggo ay tumangging magbigay ng bala at pagkain ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front sa rebeldeng MILF kaya inatake ang naturang barangay. (Ulat ni John Unson)

AGUSTIN DEMA-ALA

BARANGAY TAMAR

DIRA GOGO

INFANTRY BRIGADE

JOHN UNSON

KUGAY DATUN

MAGUINDANAO

MALIK PANALANDANG

MALIPOLOK MISIKIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with