Trike driver pinatay ng pasahero

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Isang 39-anyos na traysikel driver ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang pasahero sa Barangay Kaong, Silang, Cavite kamakalawa ng hapon.

Ang bangkay ng biktima na nadiskubre sa minamanehong traysikel ay nakilalang si Fernando Santos ng Barangay Bulihan sa naturang bayan.

May palagay ang pulisya na nagkaroon nang pagtatalo sa pasahe ang dalawa hanggang sa maganap ang krimen dakong alas-5:45 ng hapon. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments